Isinagawa ang kauna-unahang webinar patungkol sa Panitikang Waray na inihandog ng Samar State Uniersity-Paranas Campus sa pangunguna ng Samahan ng mga Filipinong Mag-aaral (SaFilMa),na ginanap noong ika-13 ng Disyembre,2022 Martes, ganap na 10:00 ng umaga sa pamamagitan ng Google Meet. Ginanap ang Unang Webinar sa Panikang Waray ng isang araw kasama ang mga kasapi at dating kasapi ng SaFilMa at naimbitahan rin ang Bachelor of Secondary Education- Major in English mula sa College of Education ng SSU Main Campus. Itinampok ang lekturang ” Waray Literature and Literary Criticism” ni Atty. Jose Duke S. Bagulaya,Postdoctoral Fellow sa Education University of Hongkong. Nagsimula ang webinar sa pamamagitan ng panalangin at sinundan ito ng ng pag-awit ng pambansang awit ang Lupang Hinirang sa pamamagitan ng video presentation. Sinundan ito ng paunang mensahe ni G. Ian Mark P. Nibalvos ,instruktor sa Filipino at kasalukuyang Adviser ng SaFilMa. Malugod namang ipinakilala ang tagapanayam ni Dr. Art Roncevalles ng SSU-Graduate School. Sa pormal na talakayan ni Atty.Bagulaya ibinahagi niya ang Waray Literature na malapit sa puso ng mga Filipino lalong-lalo na ng mga taga-Samar at Leyte, masaya siyang muling maging isang tagapanayam ng lekturang importante sa mga kumukuha ng mga Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at English. Nagtapos ang kanyang lektura sa pamamagitang ng isang open forum at ibinahagi din niya ang kanyang mga ginawang aklat na makatutulong sa mga tagapakinig.Pormal na winakasan ang webinar sa pamamagitan ng panghuling mensahe ni Gng. Veronica A. Gabon,instrukto sa Filipino.